Biyernes, Abril 26, 2013

Pagong at Matsing:Ikalawang kabanata


PAGONG AT MATSING part 2
Natusok ng mga tinik si Matsing. Pero imbis na matuwa si Pagong dahil nakaganti na siya kay Matsing. Lumuhod siya at umiyak.

“Bakit ko ito nagawa?” Lumapit siya kay Matsing at sabi’y..

“MATSING!!GUMISING KA!! Nagsisisi na ako! Handa akong magpakulong basta mapatawad mo lang ako...kaibigan.” iyak siya ng iyak habang si Matsing ay nauubosan na ng dugo.

“Tulong!!!tulungan niyo kami!tulong!” sigaw ng sigaw si Pagong.
“sa tingin ko,wala ng ibang tutulong sa amin...”

Kinuha niya ang baril niya at itinutok ito sa ulo niya.

“sa tingin ko,hanggang dito na lang ang buhay naming dalawa,gusto ko nang mamatay...patawad sa lahat ng nagawa ko...sana di ko na lang nilagyan ng tinik yung puno para hindi namatay si Matsing....”
*BLAM!!!*

Dalawa na silang nakahandusay,dugun sa damuhan....
Habang umiihip ang hangin...may yapak na papalapit sa kanila.
...................................................................................................................
Eeee eeee eeeee eeee...
Sa ospital..
Magkatabi ang kama nila habang inooperahan sila.
Tumutunog ang isang monitor na nagpapahiwatig ng buhay nila.
Sa labas ng operating room,naroon ang isang lalaking nagngangalang Luigi,siya ang tito ni Pagong, pinsan ng nanay niya.
“Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat...sana ay patawarin ako ng Diyos dahil pinaglayo ko sila ng tadhana...”
Biglang may lumabas na doctor na Kabayo sa operating room..
“Kamag-anak niyo po ba ang isa sa mga pasyente?”
“opo,yung pagong...”
“may good news po ako, ligtas na po si Pagong,puwede niyo na po siyang kausapin..”
“ah..salamat sa Panginoon, eh yung Matsing po?”
“kamag-anak niyo rin po ba siya?”
“opo”
“pagong po kayo diba?”
“basta mamaya ko na lang ikukuwento pero kailangan kong malaman kung ano ang kalagayan ni Matsing.”
“uhm..eto po ang bad news, 50/50 po ang kalagayan ni Matsing, marami po kasi siyang natamong sugat dahil sa mga tusok ng tinik,hindi pa po namin nalalabas yung ibang tinik,yung iba,tagos sa katawan, at kulang na rin po ang dugo niya, maraming nawalang dugo sa katawan niya..”
“tsk.tsk.tsk... puwede ko na po bang makausap si Pagong?”
“sige po.”
Pumasok si Luiging Pagong sa kuwarto.
“Pagong!!!ayos ka lang ba?”
“tito.....paano ka po nakarating dito?”
“ako ang nagdala sa inyong dalawa dito.”
“uhm..”
“Pagong? Anong nangyari sa inyong dalawa?”
“mahabang kuwento tito.”
“teka,may sasabihin ako sa iyo, si Matsing,nangangailangan siya ng dugo, dapat ay ka-type niya ng dugo at kadugo niya.”
“ha?paano yan?”
“ikaw Pagong,ikaw ang dapat mag-donate ng dugo sa kanya.”
“hindi naman niya ako kadugo eh.”
“kadugo mo siya,kapatid mo siya...”
Gulat na gulat si Pagong at hindi makapaniwala.
Ikinuwento ng tito niya ang lahat.
FLASHBACK<<<<
Noong nanganganak ang nanay mo, lumabas ako ng bahay.
Nandoon ang katiwala ng isang hacienderong matsing na ubod ng sama.
“handa mo bang ibigay sa amin ang anak ni Mariang pagong? O hindi ka na sisikatan ng araw?”
Hindi kasi sila mag-kaanak dahil parehong baog ang mag-asawa.
“o-opo”
Pumasok ako sa bahay. Nakita ko ang MGA anak ng nanay mo. Oo, may kakambal ka.Ngunit nagulat ako nung ang isang anak ni Maria ay isang matsing.
Ang asawa kasi ng nanay mo o sabihin na nating tatay mo ay isang matsing.
Kinuha ko ang kapatid mo at ibinigay sa masamang hacienderong matsing.
“eto na po...” inabot ko ang kapatid mo sa kanya ngunit nagtaka siya.
“ito ba ang anak ni mariang pagong?bakit matsing?!, pero sige..salamat,eto na ang pera mo”
Inabot niya sa akin ang 10,110 pesos.
Makalipas ang maraming oras..
Lumaki ka na.
At nakilala mo siya.
Si Matsing, ang iyong kakambal.
END of FLASHBACK<<<
Halos humagulgol si Pagong.
“Bakit ngayon mo lang sinabi tito?BAKIT?!” sinuntok niya ang kanyang tito Luigi.
“patawad pamangkin...”
Humarap si pagong sa kanyang kapatid na si Matsing.
“patawad kapatid, handa kong ibigay lahat ng dugo ko para mabuhay ka...”
Makalipas ang ilang araw...
Gumaling si Matsing.
Nakulong si Pagong sa kasalanang nagawa niya.
Nakulong ang hacienderong matsing na nag-alaga kay matsing dahil sa daming hayop na kanyang pinatay.
Ang tito Luigi ni Pagong ay nabaliw.
Ang puno ng saging ay tumubo.
...................................................................
“oy kambal! Kamusta na!” sabi ni Matsing kay Pagong.
“ayos lang naman.”
“akalain mo,sinong mag-aakala na magkapatid tayo, kaya pala ang gaan ng loob ko sayo.”
“oo nga,natandaan mo pa ba na nag-away tayo dahil sa iisang babae?”
“at iyon ang naging dahilan kung bakit kita inagawan ng saging, gusto ko kasi sayo maghigante eh.”
“oo nga.. at yung babaeng iyon ay..”
“isa pa lang...”
“LALAKE!!!” sabay pa silang nag-salita.
..............................................................
EPILOGUE
Bumalik sila sa tabing ilog kung nasaan naroon ang puno ng saging.
Nakalaya na kasi si pagong eh.
“haay...kung hindi tayo nag-away dahil sa punong ito ay hindi pa natin malalaman na mag-kadugo tayo.”
“oo nga eh no?” sabi ni pagong.
“oh eto saging” inabot ni Matsing ang saging kay pagong.
“ano gagawin ko dito?”
“eh di kainin mo.”
Kinagatan ni Pagong ang saging ngunit sa saging na iyon ay may naka-tagong bomba.
*BOOOGSH!!*
“hahahahaha!uto-utong pagong!!!” humalakhak si Matsing na parang demonyo.
“sa wakas! Wala na akong mga kaagaw sa mga saging na ito!!”
 Niyakap niya ang puno ng saging.
Ngunit nung niyakap niya ito,hindi na niya maalis ang kanyang katawan dito.
Nilagyan pala ni pagong ng isa pang patibong ang puno ng saging. Nilagyan niya ng sandamakmak na super glue ito.
Ngayon..
Pag-mamayari na ni Matsing ang puno ng saging.
Dahil nakayakap siya dito...
.
.
.
.
Habang buhay.....


~END~

ARAL:
Utakan lang yan mga p’re.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento